Monday, September 1, 2008

Si Enrique and unang OFW

Pasintabi sa pagsulat nito sa iginagalang na pangunahing manunulat at historyador ng Filipinas, Carmen Guerrero Nakpil. Nalathala ang kanyang sinulat na may pamagat na "The First OFW" sa The Philippine Star, Linggo, Mayo 4, 2008. Isang pagpupugay ito sa hinahangaan at iginagalang na manunulat sa ating bansa.

Kalalabas lamang ng kanyang dalawang aklat na "Autobiographical Trilogy"na "Myself ,Elsewhere" at "Legends and Adventures." Kasalukuyang siyang tagapangulo ng Manila Historical Heritage Commission.

Ganito ang kanyang paglalarawan kay Enrique, "Bandang 1508, una nating makikita ang ating bayani, kabataang Malay mula sa arkipelago na tatawaging kalaunan na Felipinas, nakasuot ng maikling sarong na di matiyak ang kulay, nakatayo sa init ng araw sa magaspang na tablang entablado sa palengke ng mga alipin, sa Mollucas (Malaysia). Ang kanyang katayuan bilang alipin, ay patunay na iniwan niya ang Silangang Bisaya na ang ma piratang Muslim ay sumalakay para sa kanilang negosyo ng pag-angkat ng alipin.

Isa pang magandang paglalarawan sa pagtatagpo ng alipin at panginoon, "Nang araw na iyon sa Mollucas ang pagngiti ang umakit sa bihasa na sa unos na magdaragat (seaman) at lagalag (explorer) na nakatayo sa maingay na palengke ng bentahan ng mga alipin. Isa siyang Portuges, aristokratang Fernao Magalhaes (lalong kilalang Ferdinand Magellan). Sumang-ayon siya sa nakita sa nadakip na Malay: nakataas ang ulo na mahaba, makapal ang itim na buhok: malapad ang balikat, makintab at di nasisindak sa pangangatawang malusog na kalamnan,malakas at matatag na mga binti.

Pasulong na humakbang ang namimili at binili ang Malay sa ibang salaping ginto. Natapos ang transaksiyon sa pagbibinyag ng kasamang prayle sa paglalakbay ng Kristiyanong pangalan na nang panahong iyon ay kilalang Santo "Enrique" at iniuwi sa bahay ng kanyang panginoon,sa Portugal. Naglakbay sila sa Indian Ocean, patungong kanlurang baybayin ng Africa, patungong Lisbon. Pagkalipas ng sampung taon si Enrique ang pangunahing alipin, "arquebus carrier" at mahalagang alalay. Maaaring kasama siya ni Magellan sa kampanya ng pakikidigma laban sa mga rebeldeng Moorish sa North Africa, nang mapilayan ang tuhod ng bumagsak ang kanyang kabayo sa digmaan, sa mga taong minamaniobra ni Magellan ang landas tungo sa korte ng Byzantine Renaissance sa Lisbon at Madrid, na si Enrique ay natuto ng mga wikang Portuges, Kastila at kahit Pranses."

Sa paglalarawang ito sa alipin at panginoon ay lalong magkakakulay ang pagkatao ni Enrique bilang alipin, interpreter sa pagkakadiskubre ng ating bansa.

"Labis ang kagalakan na makakauwi siya sa tinubuang lupa. Si Enrique ay binigyan ng tulugan sa barko o Flagship Trinidad. Ang limang barko (fleet) at umalis mula sa San Lucas de Barrameda sa Espanya noong Setyembre 1519 kasama ang mga opisyal at tauhan sa barko na may bilang na 260, Kastila, Portuges, Pranses, Taga-Bretanya at taga-Hilagang Africa. Ang ekspedisyon at dumanas ng maraming paghihirap at matinding sakuna: kakulangan ng tustos na gamit; tatlong ulit na kaguluhan (mutiny) at pagsasabwatan, malakas na bagyo, kanibalismo, mararahas na kamatayan. Mula Espanya ay naglakbay ang barko patungong Cape Verde, tumawid sa Atlantiko at naglayag sa paligid ng dalampasigan. Inutusan si Enrique na makipagtalastasan sa mga kayumangging tao sa dalampasigan. Sumagot sila sa magkatulad na wika na naghuhumiyaw ang pagkilala at pamilyaridad. Si Magellan,at ang ibang Europeo sa tatlong itim na galleon ay umapaw ang pagtanaw ng utang na loob at nawala ang pangamba, kahit sa sandaling di nila matiyak kung nasaan na sila o kung saan talaga nanggaling si Enrique. Natagpuan nila ang magnipikong kanlungan at kakaibang pagkain (isda, masaganang kanin, inihaw na baboy o litson na may masarap na sarsa, sa mahangin, madamong kubo, ang katutubong Hari ay may dekorasyon ng malalaking kuwintas na ginto."

Ayon pa rin sa pananaw ng manunulat at historyador Carmen Guerrero Nakpil, "Si Enrique ang unang dokumentadong OFW, at unang balikbayan. Hinahulaan natin ang isinigaw ni Enrique sa mga tao sa dalampasigan. Ito ba'y "Hoy! Kayo diyan. Nakabalik na rin ako." "He had one more to teach the white men. He was against doing battle with Lapu-lapu who had resisted Christianity ang Spanish sovereignty. Enrique refused to get off the boat of Magellan."

"Makaraan mamatay si Magellan nang matalo sa digmaan, hindi na sumama si Enrique sa mga taga-Europa na nalabing buhay, na nagsabing siya'y alipin at pag-aari ng biyuda ni Magellan. Nakabalik na siya sa sariling bayan at nais niyang lumagi. Handa siyang pumatay kung kinakailangan upang manatili sa lupang tinubuan at kapiling ang kanyang mga kababayan."

2 comments:

Marne L. Kilates said...

Teo,

May nakapansin at nakasaksi na kay Enrique, ang unang OFW. Pagpalain ka ng maraming salita, Blogger!

Marne

Marne L. Kilates said...
This comment has been removed by the author.